The Noble Qur'an Encyclopedia
Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languagesThe mankind [An-Nas] - Filipino (Tagalog) Translation
Surah The mankind [An-Nas] Ayah 6 Location Maccah Number 114
Sabihin mo: “Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,
na Hari ng mga tao,
na Diyos ng mga tao,
laban sa kasamaan ng tagapasaring na palaurong,
na nagpapasaring [ng kasamaan] sa mga dibdib ng mga tao,
kabilang sa mga jinn at mga tao.”