عربيEnglish

The Noble Qur'an Encyclopedia

Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languages

The Cow [Al-Baqara] - Filipino (Tagalog) Translation - Ayah 217

Surah The Cow [Al-Baqara] Ayah 286 Location Madanah Number 2

يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلشَّهۡرِ ٱلۡحَرَامِ قِتَالٖ فِيهِۖ قُلۡ قِتَالٞ فِيهِ كَبِيرٞۚ وَصَدٌّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَكُفۡرُۢ بِهِۦ وَٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ وَإِخۡرَاجُ أَهۡلِهِۦ مِنۡهُ أَكۡبَرُ عِندَ ٱللَّهِۚ وَٱلۡفِتۡنَةُ أَكۡبَرُ مِنَ ٱلۡقَتۡلِۗ وَلَا يَزَالُونَ يُقَٰتِلُونَكُمۡ حَتَّىٰ يَرُدُّوكُمۡ عَن دِينِكُمۡ إِنِ ٱسۡتَطَٰعُواْۚ وَمَن يَرۡتَدِدۡ مِنكُمۡ عَن دِينِهِۦ فَيَمُتۡ وَهُوَ كَافِرٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ [٢١٧]

Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Buwang Pinakababanal: sa pakikipaglaban dito. Sabihin mo: “Ang isang pakikipaglaban dito ay isang malaking [kasalanan] samantalang ang isang pagsagabal sa landas ni Allāh, ang isang kawalang-pananampalataya sa Kanya, [ang isang paghadlang] sa pagpasok sa Masjid na Pinakababanal, at ang isang pagpapalayas sa mga naninirahan [malapit] dito ay higit na malaking [kasalanan] sa ganang kay Allāh. Ang panliligalig [ng pagtatambal] ay higit na malaking [kasalanan] kaysa sa pagpatay. Hindi sila titigil na kumakalaban sa inyo hanggang sa magpatalikod sila sa inyo palayo sa relihiyon ninyo kung makakakaya sila. Ang sinumang tumalikod kabilang sa inyo sa relihiyon niya at namatay habang siya ay isang tagatangging sumampalataya, ang mga iyon ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.