عربيEnglish

The Noble Qur'an Encyclopedia

Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languages

The Event, The Inevitable [Al-Waqia] - Filipino (Tagalog) Translation

Surah The Event, The Inevitable [Al-Waqia] Ayah 96 Location Maccah Number 56

para sa pagkaganap nito ay walang isang tagapagpasinungaling,

na magbababa [ng mananampalataya], mag-aangat [ng tagatangging sumampalataya].

at dinurog ang mga bundok sa isang pagdurog,

Kaya ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan?

Ang mga tagapanguna [sa mga kabutihan] ay ang mga tagapanguna [sa Paraiso].

Ang mga iyon ay ang mga inilapit [kay Allāh]

Isang pangkat mula sa mga nauna [na yumakap sa Islām]

sa mga kamang pinalamutian [ng ginto],

May iikot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata],

na may mga baso, mga pitsel, at isang kopa mula sa isang alak [na dalisay] na dumadaloy,

na hindi sila pasasakitan [sa ulo] dahil sa mga ito at hindi sila lalanguin,

at may mga dilag na magaganda ang mga mata,

Hindi sila makaririnig doon ng kabalbalan ni ng pagpapakasalanan

maliban sa pagsasabi ng [pagbati ng] kapayapaan, kapayapaan!

[Sila ay] nasa mga [punong] Sidrah na pinutulan [ng mga tinik]

at mga [punong] saging na nagkapatung-patong [ang mga bunga],

Tunay na Kami ay nagpaluwal sa kanila[1] sa isang [pambihirang] pagpapaluwal,

na malalambing na magkakasinggulang,

Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa,[2] ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?

[Sila ay] nasa nakapapasong hangin at nakapapasong tubig,

at isang lilim ng isang usok na pagkaitim-itim,

Sila dati ay nagsasabi: “Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin,

Sabihin mo: “Tunay na ang mga sinauna at ang mga nahuli

ay talagang mga titipunin sa isang takdang oras ng isang araw na nalalaman.”

Pagkatapos tunay na kayo, O mga naliligaw na mga nagpapasinungaling [sa Pagkabuhay]

ay talagang mga kakain mula sa mga puno ng Zaqqūm,

saka mga magpupuno mula sa mga iyon ng mga tiyan,

saka mga iinom sa mga ito mula sa nakapapasong tubig,

saka mga iinom nang pag-inom ng mga uhaw na kamelyo!”

Kami ay lumikha sa inyo kaya bakit kaya hindi kayo naniniwala?

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupulandit ninyo [na punlay]?

na magpalit Kami ng mga tulad [ng mga anyo] ninyo at [muling] magpaluwal Kami sa inyo sa [mga anyong] hindi ninyo nalalaman.

Talaga ngang nalaman ninyo ang unang pagpapaluwal, kaya bakit kaya hindi kayo nagsasaalaala?

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupunla ninyo?

Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa saka kayo ay magiging nagugulantang,

[na magsasabi]: “Tunay na kami ay talagang mga mamultahan;[4]

Kung sakaling niloloob Namin ay ginawa sana Namin iyon na maalat, kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat?

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaniningas ninyo?

Kayo ba ay nagpapaluwal ng punong-kahoy [na nagpapaningas] nito o Kami ay ang Tagapagpaluwal?

Kami ay gumawa nito bilang pagpapaalaala at bilang natatamasa para sa mga naglalakbay.

Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.

at tunay na ito ay talagang isang panunumpa – kung sakaling nalalaman ninyo – na sukdulan.

Tunay na ito ay talagang isang Qur’ān marangal,

na nasa isang Aklat na itinatago,[5]

na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay,

na isang pagbababa mula sa Panginoon ng mga nilalang.

Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling.

Kaya bakit hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag umabot ito sa lalamunan

habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin?

Kaya bakit hindi – kung kayo ay hindi mga pananagutin –

kayo nagpapabalik [ng kaluluwa sa katawan] nito kung kayo ay mga tapat.

Kaya hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga inilapit [kay Allāh],

[ukol sa kanya ay] kapahingahan, kaloob, at hardin ng kaginhawahan.

Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan,

[magsasabi ang mga anghel sa kanya]: “Kapayapaan ay ukol sa iyo na kabilang sa mga kasamahan ng kanan.”

Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga tagapagpasinungaling na naliligaw,

[ukol sa kanya ay] isang pang-aliw mula sa nakapapasong tubig

at isang pagpapasok sa Impiyerno.

Tunay na ito ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan.

Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.