The Noble Qur'an Encyclopedia
Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languagesHe Frowned [Abasa] - Filipino (Tagalog) Translation
Surah He Frowned [Abasa] Ayah 42 Location Maccah Number 80
Nagkunot-noo siya[1] at tumalikod siya
dahil dumating sa kanya ang bulag.[2]
Ano ang magpapaalam sa iyo na marahil siya[3] ay magpapakabusilak [sa kasalanan]
o magsasaalaala para magpakinabang sa kanya ang paalaala?
Tungkol sa nag-akalang nakasasapat [para mangailangan ng pananampalataya],
ikaw ay sa kanya nag-aasikaso.
Ano [ang maisisisi] sa iyo na hindi siya magpakabusilak [sa kasalanan]?
Hinggil naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi [sa paghahanap ng kabutihan]
habang siya ay natatakot [kay Allāh],
ikaw ay sa kanya nagwawalang-bahala.
Aba’y hindi! Tunay na ang mga [talatang] ito ay isang pagpapaalaala;
kaya ang sinumang lumuob ay mag-aalaala siya nitong [ Qur’ān].
[Ito ay] nasa mga pahinang pinarangalan,
na inangat na dinalisay,
na nasa mga kamay ng mga [anghel na] tagatala,
na mararangal na mabubuting-loob.
Sumpain ang tao [na tagatangging sumampalataya]; anong palatangging sumampalataya nito!
Mula sa aling bagay lumikha Siya nito?
Mula sa isang patak lumikha Siya nito saka nagtakda Siya rito.
Pagkatapos sa landas[4] ay nagpadali Siya nito.
Pagkatapos nagbigay-kamatayan Siya rito saka nagpalibing Siya rito.
Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito.
Aba’y hindi! Hindi pa ito gumanap sa ipinag-utos Niya rito.
Kaya tumingin ang tao sa pagkain nito –
na Kami ay nagbuhos ng tubig sa pagbubuhos,
pagkatapos bumiyak Kami sa lupa nang biyak-biyak [para sa halaman],
saka nagpatubo Kami rito ng mga butil,
at ubas at kumpay,
at oliba at datiles,
at mga harding malago,
at prutas at damo –
bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.
Ngunit kapag dumating ang Dagundong[5]
sa Araw na tatakas ang tao mula sa kapatid niya,
at ina niya at ama niya,
at asawa niya at mga anak niya.
Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila sa Araw na iyon ay isang kaukulang sasapat sa kanya.
May mga mukha sa Araw na iyon na nagliliwanag,
na tumatawa na nagagalak.
May mga mukha sa Araw na iyon na sa mga ito ay may alabok.
May lulukob sa mga ito na isang panglaw.
Ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya na masasamang-loob.