The Noble Qur'an Encyclopedia
Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languagesThe Overthrowing [At-Takwir] - Filipino (Tagalog) Translation
Surah The Overthrowing [At-Takwir] Ayah 29 Location Maccah Number 81
Kapag ang araw ay ipinulupot,
kapag ang mga bituin ay pumanglaw,
kapag ang mga bundok ay iuusad,
kapag ang mga buntis na kamelyo[1] ay pinabayaan,
kapag ang mga mailap na hayop ay kinalap,
kapag ang mga dagat ay pinagliyab,
kapag ang mga kaluluwa ay ipinagpares,[2]
kapag ang [batang] babaing inilibing nang buhay ay tatanungin
dahil sa aling pagkakasala siya pinatay,
kapag ang mga pahina [ng tala ng gawa ng tao] ay inilatag,
kapag ang langit ay tinuklap,
kapag ang Impiyerno ay pinagliyab,
at kapag ang Paraiso ay pinalapit [sa mga mananampalataya];
malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito [na maganda at masagwa].
Kaya talagang sumusumpa Ako sa mga bituing umuurong,
na umiinog na nagtatago,
at sa gabi kapag umurong-sulong ito,
at sa madaling-araw kapag huminga ito;
tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi [ni Allāh] sa isang sugong marangal,
[si Anghel Gabriel] na may lakas sa ganang May-ari ng Trono, na mataas sa kalagayan,
na tinatalima [ng mga anghel], pagkatapos mapagkakatiwalaan.
[O mga tao,] ang kasamahan ninyo [na si Propeta Muḥammad] ay hindi isang baliw.
Talaga ngang nakakita siya rıto [kay Anghel Gabriel] sa abot-tanaw na malinaw.
Siya, [sa pagpapaabot ng kaalaman] sa nakalingid, ay hindi isang sakim.
[Ang Qur’ān na] ito ay hindi sinabi ng isang demonyong kasumpa-sumpa.
Kaya saan kayo pupunta?
Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang,
para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid,
at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.