The Noble Qur'an Encyclopedia
Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languagesThe Sundering, Splitting Open [Al-Inshiqaq] - Filipino (Tagalog) Translation
Surah The Sundering, Splitting Open [Al-Inshiqaq] Ayah 25 Location Maccah Number 84
Kapag ang langit ay nabiyak
at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito,
kapag ang lupa ay binanat,
at nagtapon ito ng nasa loob nito at nagtatwa ito,
at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito;
O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod kaya makikipagkita [ka] rito.[1]
Kaya hinggil sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya,
tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan
at uuwi siya sa mag-anak niya na pinagagalak.
Hinggil naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa bandang likod niya,
mananawagan siya ng pagkagupo
at masusunog siya sa isang liyab.
Tunay na siya dati sa piling ng mga kapwa niya ay pinagagalak.
Tunay na siya ay nagpalagay na hindi siya manunumbalik [kay Allāh].
Bagkus, tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kanya nakakikita.
Kaya talagang sumusumpa Ako sa pamumula ng takipsilim,
at sa gabi at sa iniipon nito,
at sa buwan kapag namilog ito;
talagang lululan nga kayo sa isang antas buhat sa isang antas.
Kaya ano ang mayroon sa kanila na hindi sila sumasampalataya?
Kapag binigkas sa kanila ang Qur’ān ay hindi sila nagpapatirapa.
Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling.
Si Allāh ay higit na maalam sa anumang iniimbak nila [sa mga dibdib nila].
Kaya magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit,
maliban ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos; ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.