The Noble Qur'an Encyclopedia
Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languagesThe Mansions of the stars [Al-Burooj] - Filipino (Tagalog) Translation
Surah The Mansions of the stars [Al-Burooj] Ayah 22 Location Maccah Number 85
Sumpa man sa langit na may mga konstelasyon,
sumpa man sa Araw na ipinangako,
sumpa man sa isang tagasaksi[1] at sa isang sinasaksihan;
isinumpa ang mga kasamahan ng bambang
na [may] apoy na may panggatong,
noong sila sa tabi nito ay mga nakaupo
habang sila, sa ginagawa nila sa mga mananampalataya, ay mga saksi.
Hindi sila naghinanakit sa mga ito maliban na sumampalataya ang mga ito kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Kapuri-puri,
na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi.
Tunay na ang mga umusig sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob, ay ukol sa kanila ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa ng pagsusunog.
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Iyon ang pagkatamong malaki.
Tunay na ang pagsunggab[2] ng Panginoon mo ay talagang matindi.
Tunay na Siya ay nagpapasimula [ng paglikha] at nagpapanumbalik [nito].
Siya ay ang Mapagpatawad, ang Mapagmahal,
ang May trono, ang Maringal,
palagawa ng anumang ninanais Niya.
Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay ng mga kawal
ni Paraon at ng [liping] Thamūd?
Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pagpapasinungaling,
samantalang si Allāh, mula sa likuran nila, ay Tagapaligid.
Bagkus ito ay isang Qur’ān na maringal,
na nasa isang Tablerong Pinag-iingatan.