The Noble Qur'an Encyclopedia
Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languagesThe morning star [At-Tariq] - Filipino (Tagalog) Translation
Surah The morning star [At-Tariq] Ayah 17 Location Maccah Number 86
Sumpa man sa langit at sa tagapunta sa gabi.
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang tagapunta sa gabi?
[Ito] ang bituing tumatagos.
Walang kaluluwa malibang dito ay may isang [anghel na] tagapag-ingat.
Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha.
Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit,
na lumalabas mula sa pagitan ng gulugod [ng lalaki] at mga tadyang.
Tunay na Siya, sa pagpapabalik dito,[1] ay talagang Nakakakaya.
Sa Araw na sisiyasatin ang mga lihim [para ibunyag],
walang ukol sa kanya na anumang lakas ni tagapag-adya.
Sumpa man sa langit na may pagpapabalik,
sumpa man sa lupa na may bitak [ng pagtubo ng halaman];
tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang sinabing pambukod,
at hindi ito ang biru-biro.
Tunay na sila ay nanlansi ng isang panlalansi [laban sa inihatid ng Propeta],
at nanlansi naman Ako ng isang panlalansi [laban sa kanila].
Kaya mag-anta-antabay ka sa mga tagatangging sumampalataya, mag-antabay ka sa kanila nang hinay-hinay.