The Noble Qur'an Encyclopedia
Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languagesThe Sun [Ash-Shams] - Filipino (Tagalog) Translation
Surah The Sun [Ash-Shams] Ayah 15 Location Maccah Number 91
Sumpa man sa araw at sa kaliwanagan nito,[1]
sumpa man sa buwan kapag sumunod ito roon,
sumpa man sa maghapon kapag naglantad ito [ng tanglaw] doon,
sumpa man sa gabi kapag bumalot ito [ng kadiliman] doon,
sumpa man sa langit at sa pagpapatayo Niya nito,
sumpa man sa lupa at sa pagkalatag nito,
sumpa man sa isang kaluluwa at sa pagkahubog nito,
saka nagpatalos Siya rito ng kasamaang-loob nito at pangingilag magkasala nito;
nagtagumpay nga ang sinumang nagbusilak nito
at nabigo nga ang sinumang nagparumi nito.
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd [kay Propeta Ṣāliḥ] dahil sa pagmamalabis nito
nang sumugod ang pinakamalumbay nito.
Kaya nagsabi sa kanila [si Ṣāliḥ,] ang sugo ni Allāh: “[Magpaubaya] sa dumalagang kamelyo ni Allāh at pag-inom nito [sa araw nito].”
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya saka kinatay nila ito kaya nagsaklob [ng parusa] sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pagkakasala nila saka nagpantay-pantay Siya rito [sa parusa].
Hindi Siya nangangamba sa pinakakahihinatnan nito.