The Noble Qur'an Encyclopedia
Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languagesThe night [Al-Lail] - Filipino (Tagalog) Translation
Surah The night [Al-Lail] Ayah 21 Location Maccah Number 92
Sumpa man sa gabi kapag bumabalot ito,
sumpa man sa maghapon kapag nahayag ito,
sumpa man sa pagkalikha sa lalaki at babae;
tunay na ang pagpupunyagi ninyo ay talagang sarisari.
Kaya hinggil naman sa sinumang nagbigay [ng isinatungkulin] at nangilag magkasala
at nagpatotoo sa pinakamaganda,[1]
magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamadali;
at hinggil naman sa sinumang nagmaramot at nagturing na makapagsarili
at nagpasinungaling sa pinakamaganda,[2]
magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamahirap.
Ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya kapag nabulid siya [sa Impiyerno]?
Tunay na nasa Amin ay talagang ang pagpapatnubay.
Tunay na sa Amin ay talagang ang Kabilang-buhay at ang Unang-buhay.
Kaya nagbabala Ako sa inyo ng apoy na naglalagablab.
Walang masusunog doon kundi ang pinakamalumbay,
na nagpasinungaling [sa inihatid ng Sugo] at tumalikod.
Paiiwasin doon ang pinakatagapangilag magkasala,
na nagbibigay ng yaman niya [sa kabutihan] habang nagpapakabusilak [sa kasalanan]
at hindi para sa isang mayroon siyang anumang biyayang gagantihan,
bagkus dala ng paghahangad sa [ikalulugod ng] Mukha ng Panginoon niya, ang Pinakamataas.
Talagang malulugod siya [sa ibibigay ni Allāh].